|
|
 |
 |
|
Sunday, December 27, 2009
You know I don't believe in forever. But now I begin to wonder. Is it the wind, or is it the weather? Or is my heart just out of order.
We started off as acquaintances But eventually we became friends The times we spent were really fun and priceless With a tinge of sorrow and a drop of tears.
But one day, when I saw your smile, It made me stop and think for a while. Maybe after searching mile after mile, I've found the girl that I'll bring down the aisle.
I ignored these ideas in my head. Hugged my soft pillow and went straight to bed. Maybe I'm crazy or I'm just wasted. How can I fall in love with a friend?!
I decided to keep it a secret. Make my life better and stop my bad habit. Then your question struck my heart like a lancet. I couldn't lie and decided to spill it..
My last confession ended in a heartbreak. But it was a step I'm willing to make. Those were the words I am willing to take. I consider none of those a mistake.
I still love you and to stop I'm not able. But our friendship is a constant variable. If you find yourself in any trouble, Just call and I'll be there on the double..
Posted at 06:31 pm by darkcross
Permalink
Friday, February 06, 2009
matagal na rin pala ako di nagsusulat dito. mahigit na rin pala sa isang taon. pero sa isang taon na iyon ay malaki na rin ang pinagbago ng aking buhay. tumanda ako ng isang taon. karamihan naman ay ganun pa rin. kinakain ko ang mga dapat kainin kaya ako ay tumataba. iniinom ko ang mga dapat inumin kaya ako nalalasing. binabasa ko ang mga dapat basahin kaya yung mga librong may kwenta lang ang binabasa ko at apat ang nirerevalida ko. love life? hmm. kung tatanungin mo ang opinyon ko tungkol sa sarili kong love life, sa totoo lang ay di ako mapalagay..
natural naman sakin ang negatibong pag-iisip. lagi ko talagang inuuna ang worst-case scenario bago ako gumawa ng isang galaw. kaya lang ay minsan, di mo talaga mapigilang gawan ng meaning ang mga galaw ng ibang tao.. alam nating di maiiwasan yun. pero ang mali ay pag nag-aassume ka na at kinukumbinsi mo na ang sarili mong tama ka kahit di ka pa sigurado. pero pano naman kung talagang signs nga ang mga pinapakita niya? sa kakadedma mo, nagsawa na at nilayuan ka. pag mali ka naman sa hula mo at gumawa ka ng maling galaw, aba'y malaki ring problema yan. di lang basag ang mukha mo sa taong yun. wala ka nang maihaharap na mukha sa mga kaibigan niya at ang pinakamasakit dun, sira ang friendship niyo.. putangina diba?! di mo na alam kung saan ka lulugar. sa panahon ng ganitong crisis, buti na lang meron kang malalapitang mga kaibigan para masabihan. pero ano naman ang magagawa nila? sige, mababawasan nga naman ang bigat ng pasanin mo pagkatapos mo ikwento sa kanila ang buong life story mo. pero tapos nun, ano na? "okay lang yan..", "marami pang iba diyan..", lilipas din yan..", at iba pang pampalubag loob lang ang mapapala mo. pero sa totoo, wala rin silang magagawa. sige, sabihin na nating merong mga ibang may magagawa rin naman maski papano. pero sobra sobra pa ata ang mga daliri ko sa isang kamay para bilangin ang mga yun. no offense meant sa mga kaibigan ko ha. ako ang nag-kwento kaya ako ang gago.. nakakatawa diba? pero di ako natatawa..
masarap ang pinakikinggan.. nakakagaan ng loob at nakakakalma ng kalooban. pero sa huli, buhay mo pa rin yan. ikaw pa rin ang gumagawa ng sarili mong mga desisyon na magpapahamag o magpapasaya sayo. sa mga nangyari, masaya ako kahit papano. haha. sabaw talaga. pero ewan ko ba. dahil din sa mga pangyayaring yun, madaming mga dati kong desisyon ang bigla kong pinagsisihan. yung mga "what if?" questions. pano kaya kung ganito? pano kaya kung ganon? mas naging okay kaya? haha. ang sagot, hindi ko alam. walang nakakaalam nun kasi di nga yun nangyari. pero wala na akong magagawa dun eh. nangyari na at nagawa ko na. hindi ko na malalaman kung mas okay ba tayo ngayon kung di ako lumayo noon..
buti na lang talaga walang nagbabasa nito.. haha. pero kung mabasa mo man to.. oo ikaw na pinapatamaan ko dito.. sorry talaga.. di ko rin naman ginusto na mag-fall sayo.. pero wala eh.. bigla na lang nangyari.. sa totoo nga, kung ako lang, ayoko pa sabihin sayo nun. eh kaya lang ikaw na ang nagtanong eh. syempre sasagot ako. wala naman akong tinatago eh. kaya lang expected ko nang may ganitong sablay na mangyayari. yung lalayo ka or whatever. pero yung follow-up question ko nun, sa totoo lang, ayoko pa sabihin yun.. dapat talaga aayusin ko muna ang sarili ko bago ako magtanong.. kaso, andun na eh.. nagtanong ka na.. baka yun na ang huling beses na makapag-usap tayo ng maayos.. baka lumayo ka na.. edi may bago na naman akong pagsisisihan.. kung natatakot kang mamiss-interpret ko ang mga ginagawa mo at lagyan ko ng meaning, wag ka mag-alala.. isasara ko ang utak ko kung yun ang kailangan. para sa akin, pinakamahalaga talaga yung 3 years of friendship natin.. at di lang dapat hanggang 3 years dapat yan. haha. wag sanang maging hindrance ang mga pangyayaring ito sa paglapit mo sa akin kung may problema ka.. kung ganon, malulungkot talaga ako.. sinasabi ko naman sayo na simple lang ang kaligayahan ko. okay na sakin yung nakakasama kita paminsan minsan.. nakakakwentuhan.. nakakatawanan.. nakakakulitan.. oh well. basta sana wag ka makalimot na may diego ka pa ring matatakbuhan sa oras ng kagipitan.. haha. okay ah. parang superhero lang. i'm still hoping but not assuming.. mag-aantay ako hanggang kailan pa man.. pero kaibigan parin kita kahit matapos ang kailan..Ü
Posted at 12:39 am by darkcross
Permalink
Friday, November 09, 2007
o sisig..
nung una kitang natikman agad nanginig ang aking laman napakasarap papakin at gawing pulutan lalong sumasarap ang aming kwentuhan
o sisig..
gawa sa sari-saring rekado bawat taga-luto, may iba't ibang sikreto isang tikim lang, tanggal sakit ng ulo makakalimutan mo, pangalan ng nanay mo
o sisig..
sa dami ng ating pinagsamahan maituturing na kitang isang tunay na kaibigan kapares ng alak sa aming inuman kasalo ng kanin sa aming hapag-kainan
o sisig..
isa ka sa mga saksi ng aking kasabawan nang aking kalimutan ang magpakailanman habang nalulunod sa kalungkutan ika'y nariyan at di ako iniwan
o sisig..
maamoy pa lang kitang niluluto sa kawali
naglalaway na ang aking mga labi sana'y di mawala sa aking tabi pag ako'y iyong iniwan, ako'y magsisisi
o sisig..
sa aking pag-kain, ako ay napaso dapat bang iluwa? o muling isubo? mahirapan man, di dapat sumuko di ganun kasimple. wag gawing isang biro
o sisig..
paano kaya pag nagsawa na sa'yo? iiwan ka nalang ba sa iyong kaldero? parang walang nangyari parang di nagkatagpo biglang pinagpalit sa isaw at adobo
o sisig..
utak ko ngayo'y litong lito ano itong kalokohang ginawa ko matapos kong tikman at pagsawaan bigla na lang iiwan. iiwan sa kawalan
o sisig
patawarin mo sana ako ako ang mali at ako ay sumusuko sabihin mo lang kung pano ko mapapawi ang galit na namuo sa iyong budhi
o sisig..
kahit na katiting na lang na pag-asa sana'y kahit papano, meron pa ring natira sa dating pag-suyo at dating pagsasama kahit na masakit, ako'y maniniwala
o sisig..
kung maibabalik ko lang ang nakaraan ay di na lang sana kita sinaktan sabi nga nila laging nasa huli.. ang lungkot, pag-iyak at pagsisisi..
Posted at 10:29 pm by darkcross
Permalink
Sunday, October 21, 2007
ba't kaya ganito yung title? yan lang kasi yung naisip ko para maidescribe yung mga pangyayari ngayong araw na 'to eh. parang kadiliman sa gitna ng pagsasaya.. galing kasi akong uste kanina at uminom kami ni jun sa tapsi. ang theme ng aming celebration, "MABUHAY ANG MGA DOS AT TRES!" haha. wala daw kasi akong bagsak sabi ni kaye.(naniniwala ako at hindi ko na papakawalan ang paniniwalang yun..) kanina ko lang naisipang ipaalam sa nanay ko na pasado ako kasi ginagago ko pa siya kahapon na hindi ko pa alam kung papasa ako pero nagkaron ako ng pangitain na oo. haha. nasermonan pa nga ako tungkol sa aking pagyoyosi eh.. ganito yung takbo ng usapan: ma: tignan mo yung babae dun. naka-oxygen na siya at hindi na makahinga dahil sa asthma. ako: opo nga eh. kawawa naman siya. ma: kaya ikaw, tigilan mo na ang paninigarilyo mo. masyado ka pang bata para diyan. sinasabi ko sayo, maaga kang mamamatay. yung isa mo ngang lolo eh (tito niya) namatay dahil sa sakit sa baga. ako: diba po, ang masamang damo, matagal mamatay?
kala ko magagalit. buti na lang, tumawa lang. lusot ang banat ko haha. balik tayo dun sa inuman. so, tinext ko ang nanay ko.(gamit ang phone ni jun kasi nga nawala ang phone ko..) "ma, pasado po ako". ang reply niya ay, buti naman anak. buti na lang, nagmana ka sakin" haha. ay naku. nagfiling na ang nanay ko.
habang umiinom, napag-usapan namin ang kung anu anong bagay. tungkol sa grades, iba't ibang tao at sa mga pangyayari sa buhay ng bawat isa. sabi niya,
jun: kamusta na sila russel? nakakasama mo pa? ako: ayos naman. di na nga masyado eh. jun: eh sila emma? ok ba kayo? ako: ok naman talaga kami eh. hehe. jun: eh kamusta naman yung kay... ako: ganun pa rin naman.. jun: hindi mo pa ba kinakausap? ako: ba't ko naman siya kakausapin? ayokong makipag-usap sa taong nakikita kong ayaw akong kausap.. jun: ah.. sayang naman yun.. ako: sayang talaga.. (katahimikan) ako: alam mo, so far ung pinaka may potential na makapagpatigil sakin mag-yosi.. siguro, maski papano, nagkaron din ako ng feelings para sa kanya.. kasi masyado akong affected eh.. jun: masakit nga naman kasi mawalan ng kaibigan. ako: hindi naman siya nawala eh. para nga lang may pader na nakapalibot sa kanya at hindi ko siya mahagilap.. o nagsawa lang ako sa kakasubok.. jun: parang ganun na rin yun eh. ako: alam mo, hindi ka naman mamamatay pag nawalan ka ng kaibigan eh.. masasaktan ka lang.. masasaktan ka lang ng sobra pero buhay ka pa rin.. tuloy pa rin ang ikot ng mundo..
Posted at 01:50 am by darkcross
Permalink
Wednesday, October 17, 2007
`hai, sembreak na.. late reaction eh noh? pero ngayon ngayon ko lang nafifeel. nagbakasyon kasi ako kina kuya kiko, ang aking pinsan na gago. ayon, masaya. as usual, sagot niya ang lahat ng luho at bisyo ko. haha. pano ba naman kasi, besides the fact na sadyang galante lang talaga siya, sakanya ko rin natutunan halos lahat ng kagaguhan ko sa buhay. siguro, mga 70%. (ung iba, natural nalang sakin.)
sadyang malakas talaga siya manggago. ang paborito nya ay:
kuya kiko: uy! ano yan?! aq: san?! kuya kiko: strike one! hahaha! nakakainis noh? hindi naman nakakainis ung biro eh. ang nakakainis, pag inuulit niya yun, nahuhuli pa rin aq. haha. buti nalang tapos na ako sa stage ng, "dahan dahan lang." (sabay patid)
pero kahit na ganun, isa parin siya sa mga taong tinitingala ko. sinusunod ko ang mga payo niya ngayon. madami na kasing mga instances na hindi ko siya sinunod tapos may MASAMANG nangyari..
meron din namang mga bagay na di pareho ang aming paniniwala at hilig. tulad na lang sa musika, ang mga hilig niya ay mga rnb at hiphop na di ko nais na marinig maliban na lang kung nasa bar ako o kung sa'n mang inuman. haha.. mas gusto ko yung maiingay na tugtugin. yung parang galit sa mundo. wala lang. naaaliw ako sa kanila. ang isa pa ay ang pakikitungo sa mga babae. may mga pagkakataon kasi na hindi talaga maganda ang mga ginagawa niya. dahil sobrang lakas ng charisma niya, lapitin siya ng mga babae. ayun, almost every week nalang, bago. hindi na nga flavor of the month eh.. flavor of the week.. ewan ko. nahuhulog din naman ako paminsan minsan pero iniisip ko muna ng mabuti kung tunay ba yung feelings ko o dala lang ng sobrang depresyon.. mahirap na kasing magkamali.. makasakit.. ayo ko rin naman kasi na sinasaktan ako..
pero kahit na ganon, malaki pa rin ang respeto ko sa pinsan kong ito. sa lahat ng aking mga pinsan, sakanya ako pinakamalapit. itinuturing ko siyang isang modelo.. (ewan ko lang kung mabuti.. haha!) sa kanya, di ako takot magsabi ng aking mga problema at itinuturing ko siyang nakakatandang kapatid.
Posted at 10:13 pm by darkcross
Permalink
Monday, October 08, 2007
napaka-berde naman ng araw na to.. nakakainis.. mamaya na yung dahilan. nagsimula ang araw ko sa paggising ng 6 dahil kala ko, 8 darating yung batang bugnutin sa catwalk. nagkamali pala ako dahil 11 na siya dumating. 11 ha.. hindi 9, hindi 10.. 11.. pero ayos lang yun. andun naman si tim eh. at least, may kasama ako.
magbabayad kasi siya ng tuition kaya sinamahan ko na. wala din naman akong kasama eh. mga 7:30 ako nasa catwalk at si tim, dumating ng 8. nagbukas ang cashier, mga 9 na. nakita pa namin dun sila cam at charms. pinaphotocopy namin ang udan ni cam. after nun, tumambay uli kami ni tim sa catwalk. mga 10:30 na nun.
mga 11, biglang dumating ang batang bugnutin. as usual bugnutin nanaman. hehe. binigay na niya sakin ung notes at sabi niya, ipaphotocopy ko na daw habang nagbabayad siya pero hindi ko din naman ginawa kasi tinatamad pa ako at maiinit.
nang matapos siya magbayad, umuwi na kami. on the way to lacson, nagpaphotocopy muna. akala ko, ayos na ang araw ko.. wala nang mangyayaring kasabawan.. akala ko lang pala yun..
dumaan muna ako ng noval para bumili ng pagkain. nung andun na ako, naisipan kong sa bahay nalang kumain. kaso naka-order na ako kaya inuwi ko na lang. tapos nun, sumakay na ako sa jeep.
sa jeep, ayos pa. soundtrip lang.chill. nakatulog pa nga ata ako. nung nasa may trinoma na, nakita ko si cha. naka-green siya at pababa ng fx. namputa yan.. napatingin ako.. nagmunimuni muna ako ng mga 20 seconds at kinonfirm ko kung siya nga talaga yun.. siya nga. hindi ako namamalikmata. nung hindi ko na siya natatanaw, kahit nasa gitna pa ng kalsada yung jeep eh tumalon ako. oo tumalon. parang action star lang. tumalon ako mula sa jeep at tumakbo papunta kung saan ko siya nakita. ang nasa isip ko lang nun, "TANGINA DIEGO! ANO BA ANG GINAGAWA MO?!" ayun.. my instincts took over me.. sabaw na naman.. pag dating ko sa tapat ng trinoma, wala na siya.. ay waw! malungkot.. pumasok ako ng trinoma at andami kong nakitang naka-green. merong lola, bata, tatay, nanay, baby, kuya, at ate.. parang pinag-usapan nga nila yung mga outfit nila eh.. pero wala si cha..
naalala ko tuloy yung ginawa ko dati.. lumayo ng walang pasabi.. bigla na lang di namansin.. deadma.. mamatay ka sa kakatingin pero di kita papansinin.. ganun pala yung feeling.. masakit.. eh hindi pa nga siya yung may kasalanan eh.. ako.. tapos ako pa yung may ganang lumayo.. kapal ko noh?! sa lagay na to, hindi pa niya ako iniwasan.. nagkataon lang.. pero kahit na.. nagsisisi ako.. sorry..
Posted at 03:39 pm by darkcross
Permalink
Sunday, October 07, 2007
napakawalangkwenta nitong araw na to para sakin. wala man lang akong natapos sa mga dapat kong gawin. kung maituturing ko na accomplishment ang napanood ko ang laban ni pacquiao at nanalo siya, aun lang siguro. dapat sana ay mag-aaral na ako para sa anaphy pero tinatamad talaga ako. hindi ko tuloy mapigilang tanungin ang aking sarili, "ano ba ang problema ko?" ay naku.. sinong niloko ko.. ang sagot dun ay marami.. masyadong marami kaya ayoko nang isa isahin..
nung friday, may isang katanungang lumitaw sa aming pag-kukwentuhan sa pav. kung papapiliin ka ng buhay ng isang kaklase natin sa 2-9 para maexperience mo, kaninong buhay yon at bakit? nagulat naman ako nung may bumanggit sa pangalan ko. sabi ko sa sarili ko, "joke ba un?! kung ako nga, pinipilit ko na lang sakyan tong kapestehang to tapos meron palang ganitong buhay ang hinahanap?!" ewan ko ba.. inisip ko na nga lang, siguro mukha lang talaga akong masaya. hahaha! kung binabasa mo to ngayon, masasabi mong overrated masyado yung reaction ko.. pero pag ikaw na mismo ang nakasubok ng buhay na to, siguradong malalaman mo ang ibig kong sabihin..
change topic..
diego, isipin mo nalang, finals na.. ito na ang huling linggo bago ang sembreak. tatlong linggong pahinga din yun sa nakakasakal na kapaligiran ng eskwelahan. onting tiis pa..
pano yun? napaka-tamad ko kaya. tamad na nga, wala pang mapag-aralan.. anu ba yan. walang notes sa fnp. hai.
ano ba ito. kinakausap ko na ang sarili ko. epekto lang siguro to ng sobrang tulog. onga pala, kukuha pa ako ng notes bukas. sana macontact q pa un..
sige, aral na..
Posted at 09:03 pm by darkcross
Permalink
Saturday, October 06, 2007
namomroblema ako ngayon.. kasi, exams na sa tuesday pero wala pa akong natatapos na kahit anung subject. may kakaiba kasi akong response sa pag-aaral. lagi na lang na after makabasa ng ilang pages ay nakakatulog ako. narcolepsy?! ewan ko. basta nagigising nalang ako na katabi ko na ang aking libro at napapaisip nalang na, "ano ba ang aking nagawa?! hindi ko talaga alam ang solusyon para dito. nagkataon pa na ngayong gabi, wala nanaman akong kasama sa bahay dahil andun sila kina lola sa makati. edi lalong malakas ang tukso na wag nalang mag-aral. ay naku.. bahala na. yosi lang katapat nito. magsusunog ako ng kilay sa pag-aaral..kasabay ng pagkaubos ng aking baga..
Posted at 10:10 pm by darkcross
Permalink
Friday, October 05, 2007
kanina, nag-usap kami ni bart at napunta ang topic sa mga epekto ng maliliit na bagay sa future. lumabas ang mga tanong na, kung pinulot ko ba ang 500 na nakakalat sa daan, may pagbabago bang nangyari sa buhay ko? kung sinabi ko ba o hindi ang isang salita, may pagbabago bang mangyayari in the future? kung hindi ba natin pinag-uusapan ang bagay na 'to, may bago ba? magulo talaga. tapos, bigla kong naihirit, kung magkakaroon ka ba ng pagkakataong baguhin ang mga bagaybagay, may babaguhin ka ba? sabi nya, wala daw. napaisip ako.. kung ako siguro, napakarami kong babaguhin.. mga bagay na hindi ko dapat ginawa..mga katagang di ko na dapat sinabi.. edi andami sanang mga bagaybagay na hindi na nasira.. kung ganun lang sana kadali ang buhay.. pero hindi eh.. ang buhay ay parang isang cassette tape na puno ng sari-saring kanta. ito ay pinapagalaw ng isang cassette player na no rewind at no fast forward. tuloy tuloy lang itong umaandar. pwede mo rin naman itigil kung nagkataong naririndi na ang iyong tenga sa mga kantang tumutugtog pero hindi mo ito gagawin dahil sa pagaasam na balang araw, maririnig mo rin ang kantang aayon sa iyong panlasa..
Posted at 11:40 pm by darkcross
Permalink
Sabaw
Nakalugmok sa sulok Ako ay nagmumukmok Naglalaro ng usok Di madalaw ng antok
Umiikot ang mata Pumapatak ang luha Ayaw kitang mawala Di pwedeng ipakita
Sa lungkot ay mag-isa Di pwedeng magsalita Lutang na ang gunita Sa sarili'y galit na
Kasi naman, lang kwenta Sa lahat, bakit siya pa? Gan'to na ba katanga? Nagmahal para lumuha?!
Itutulog ko na lang to.. Sana bukas, tumino Tumigil ang delubyo Sumabay na sa mundo..
Posted at 11:30 pm by darkcross
Permalink
|
|

Ako ay isa lamang taong walang magawa at naisipang magsulat ng kung anu-anong mga pangyayari sa aking buhay. Sana mag-enjoy kayo sa aking paglalahad ng samot-saring kasabawan ng aking buhay.
Ako ay:
sabaw
laging walang magawa
tamad
gago(sabi nila..)
mabait(sabi ko)
marunong makisama
maloko ako pero alam kung kelan dapat seryoso
mahaba ang pasensya
pag nagalit, di halata
pag napuno, bahala ka
mahilig mag-isip
paranoid
minsan emo pero mukhang masaya
Ayoko sa:
backstabber
manggagamit
oportunista
walang pakisama
color green
poser
nang-iiwan..
mayabang
|
|